GENERAL SANTOS CITY -Nilanaw ni Jessie Lamsin, ang nag-upload ng video kaugnay sa bride na ayaw magpahalik sa kanyang groom na hindi pinilit ang babae na magpakasal.
Sa panayan ng Bombo Radyo GenSan kay Lamsin, kanyang inihayag na mahigit na isang taon na magkarelasyon ang dalawa bago nagpakasal.
Ang babae ay isang miyembro ng indigenous community na residente ng San Isidro, Davao del Norte.
Ayon kay Lamsin na kanyang pakipag-usap sa babae na inamin nito na mula na sila ay magkarelasyon ni Victor ay hindi pa nakahalik ang lalake sa kanya.
Si Victor ang first love ni Wenna ang pinakaunang nitong boyfriend.
Hindi rin alam ng babae na may ganitong eksena sa kasal.
Sa paglalarawan ni Lamsin ay isang mahiyain at inosenteng babae si Wenna at makaalis lang sa kanilang bahay kung mag-withdraw ng pera bilang benepisyaryo ng Pantawid ng Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at hindi exposed sa mga bagong pangyayari sa ngayon.
Hindi na nagtaka ang pari sa nangyari dahil alam niya ang love story ng dalawa at kanyang kapatid ang groom.
Ang bride ay 18 anyos at bunso sa walong magkakapatid habang ang groom ay 34 anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Davao del Norte.