-- Advertisements --

NAGA CITY- Balik operasyon na ang Naga Aurport matapos mapinsala ng Super Typhoon Rolly.

Sa panayam bg Bombo Radyo kay Engr. Jun Orbon, OIC ng Naga Airport sinabi nito na nakapag tala ng 45% damages ang airport ngunit agad naman itong naayos.

Ayon dito bukas na muli ang nasabing paliparan para sa mga Commercial flights.

Nabatid na agad na nagtulong-tulong ang mga personahe sa nasabing ahensya upang agad na malinis ang runway nito.

Ayon kay Orbon labis na naapektohan ang Terminal Building matapos na mabaklas ang ilang bubong nito resulta upang labis na napinsala ang naturang building.

Sa ngayon patuloy na ang pag dating ng mga relief goods mula sa iba’t ibang lugar at maging sa National government na ipapamigay sa mga mamayan ng probinsya ng Camarines asur at pati narin sa Naga City.