-- Advertisements --

NAGA CITY – Nakiisa ang lungsod ng Naga gayundin ang bayan ng Pili, Camarines Sur sa pagdalamhati ng buong bansa sa pagkamatay ng dating Pangulo na si Benigno “Noynoy” Aquino III.

Kaugnay nito, inilagay sa half mast ang watawat sa naturang lungsod at bayan bilang pagbibigay pugay sa pagkamatay ng ika-15 Pangulo ng Pilipinas.

Si Noynoy ang binawian ng buhay sa edad na 61-anyos kaninang alas-6:30 ng umaga ngayong araw, Hunyo 24, 2021 sa Capitol Medical Center dahil sa Renal disease.

Una rito, nakakaranas na umano ng stage 4 lung cancer ang dating Pangulo at isinugod sa naturang ospital ngunit sa kasamaang palad ay binawian din ng buhay.

Kung maaalala, naging Pangulo ito ng bansa simula 2010 hanggang 2016 kung saan nakilala ito sa binitawang kataga na “Kayo ang boss ko.”

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga pakikiramay sa pamilya Aquino mula sa iba’t-ibang personalidad kaugnay ng pagkamatay ng dating Pangulo.