NAGA CITY- Bumuo ng “Task Force” ang lungsod ng Naga matapos ang ipinalabas na direktiba ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa tuluyan nang paglinis sa mga pampublikong kalsada sa loob ng 60 araw.
Ang nasabing kautusan ay kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang nakaraang State of the Nation Address.
Sakop nito hindi lamang ang mga nagtitinda sa mga sidewalks maging ang mga ilegal na nagpaparada ng kanilang mga sasakyan sa mga kalsada na nakakaharang sa mga taong dumadaan at bumabiyahe.
Kaugnay nito, agad na nagsagawa ng pagpupulong kanina ang mga ahensiyang makakatulong ng Public Safety Office sa pagpapatupad ng nasabing direktiba.
Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rene Gumba, head ng PSO Naga kinumpirma nito na ngayong araw ay agad din silang nagsagawa ng inventory upang malaman kung aling mga lugar sa lungsod ang kanilang i-operate sa mga susunod na araw.