-- Advertisements --

NAGA CITY – Binuo na ang Ambo Incident Management Team (IMT) ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga para sa paghahanda sa bagyong Ambo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Fire Chief Inspector Emmanuel Ricafort, Fire Marshall ng BFP-Naga at Incidet Commander ng Ambo IMT, sinabi nito na naka-pre deploy na ang lahat ng assets at responders.

Hinati din sa apat na division ang buong lungsod para i-cover ang lahat ng areas sa naturang lungsod at mayroon ding mga task forces na binuo.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Education para sa karagdagang evacuation centers sa posibleng paglala ng sitwasyon.