NAGA CITY – Itinaas na sa high risk classification ang lungsod ng Naga kasunod ng patuloy na pagtaas ng naitatalang COVID-19 cases sa lugar.
Ito ay matapos ang isinagawang virtual dialogue ng Bicol Inter Agency Task Force (BIATF) kasama ang mga local chief executives, mga punong barangay at mga miyembro ng local task force ng ilang mga local government units sa Camarines Sur.
Kung maaalala, una ng itinuring bilang moderate risk to COVID-19 ang lungsod.
Kaugnay nito, ayon sa inilabas na opisyal na pahayag ng Naga City government nakapaloob dito na itinaas na ang lungsod sa mas mataas na klasipikasyon batay sa tinitingnang average daily attack rate at 2 week growth rate ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Dahil dito, pinag-aaralan na rin ngayon ng Naga City Health Emergency Task Force (HERTF) ang mga posibleng gagawing hakbang para maiwasan ang patuloy na pagkalat ng nasabing virus.
Samantala, kaugnay ito patuloy naman ang implemenasyon ng mas mahigpit na contact tracing, quarantine at lockdown measures, establishment compliances inspection, ordinance enforcement at iba, para maiwan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 virus sa lungsod ng Naga.