-- Advertisements --

NAGA CITY- Kampante si Renne Gumba pinuno ng Public Saftey Office (PSO) na nagawa ng lungsod ng Naga ang kautusan ni Pangulong Duterte na road clearing ops.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Gumba, sinabi nitong sa tingin niya nagawa naman ng tama ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang paglilinis ng mga kalsada.

Dagdag pa nito, wala aniya silang naging problema maliban sa mga nagpaparadang sasakyan sa mga maling lugar.

Kaugnay nito, katulong aniya nila ang Land Transportation Office sa paghuli ng mga violators at agarang pag-isyu ng citation ticket sa mga ito.

Sa kabila nito, positibo naman si Gumba na naging matagumpay aniya ang kabuuang clearing ops sa lungsod.