-- Advertisements --

NAGA CITY- Kinilala ang lungsod ng Naga bilang “Overall Most Competitive Component City” sa buong Pilipinas.

Sa Social media post ni Mayor Nelson Legacion, pinasalamatan nito ang lahat ng department heads ng lokal na pamahalaan, mga empleyado at lahat ng mga nakatuwang upang makuha ang nasabing pagkilala.

Nasungkit kasi ng lungsod ang ika-tatlong pwesto sa buong bansa bilang Most Competitive Component City on Resiliency, Top 1 bilang Most Competitive City on Infrastructure, Rank 3 bilang Most Competitive Component City on Government Efficiency at Rank 2 bilang Most Competitive Component City on Economic Dynamism.

Ang naturang mga pagkilala ang nakuha ng LGU-Naga dahil umano sa paggawa ng iba’t-ibang proyekto sa imprastraktura, mabilis na pagbangon matapos ang sakuna, pagiging episyente hinggil sa proseso at pagpapatakbo ng mga ahencias de govierno at pagpanatili ng ekonomiya sa kabila ng pandemya.