-- Advertisements --

NAGA CITY- Kinumpirma ni Vice Mayor Nene de Asis na magpapadala umano ng tulong ang lokal na gobyerno ng lungsod ng Naga sa mga biktima ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.

Sa pagharap nito sa mga kagawad ng media, sinasabing magpapadala umano sila ng tulong pinansyal maging mga non food items sa mga naapektuhan ng lindol lalo na ng trapal na gagamitin bilang temporary shelter ng mga biktima.

Ayon kay De Asis, handa at bukas umano ang lokal na gobyerno ng lungsod na magbigay ng tulong lalo na umano sa mga ganyang sitwasyon.

Samantala, mensahe naman nito na kailangan umano na pahigpitin ang disaster preparedness ng isang lugar upang maiwasan ang ganitong insidente.