-- Advertisements --

NAGA CITY- Kanselado na rin ang pasok simula kindergarten hanggang sa Senior High School sa lungsod ng Naga matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Manny De Guzman, School’s Division Supperintendent ng Department of Education- Naga sinabi nito na ito mismo ang nakipag-ugnayan at nag rekomenda kay Naga City Mayor Nelson Legacion para sa pagpapatupad ng kanselasyon ng klase sa nasabing antas.

Ayon kay De Guzman, ang pagpapatupad ng suspension of classes ay dahil na rin sa nagpapatuloy na pagkawala ng supply ng kuryente sa lungsod.

Kaugnay nito, kandselado muna ang online learning maging ang modular learning dahil kung sakali umanong maubos na ang kopya ng mga module ay mahihirapan pa rin umano ang ahensya na ipagpatuloy ang pagrelease nito.

Nabatid na maraming paaralan rin ang napinsala sa nasabing lungsod matapos ang pananalsa ng Super Typhoon Rolly.

Sa ngayon nakikipag ugnayan na umano ang ahensya sa Camarines Sur Electric Cooperative para sa mas madaling aksyon.

Sa ngayon panawagan nalamang umano ng ahensya sa mga magulang at mga estudyante ang pag-unawa sa kasalukuyang sitwasyon.