-- Advertisements --

NAGA CITY – Isinailalim ngayon sa office lockdown ang Naga City Police Station (NCPO-1) matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang person deprived of liberty (PDL) na nakadetine sa naturang himpilan.

Mababatid na isa sa mga protocols na nirerequest ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa PNP na bago dalhin sa district jail ang isang PDL, kailangan muna nitong sumailalim sa anti-gen test o swab test.

Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Lt. Col. Errol Garchitorena Jr. ng NCPO, kinumpirma nito na matapos sumailalim sa test ang mga PDL na nakadetine sa naturang himpilan, isa dito ang nagpositibo sa virus.

Dahil dito, naging suspected na carrier ng virus ang 43 na PNP personnel at 19 mga PDL sa nasabing police station.

Sa ngayon, naka-intact na sa iba’t ibang opisina Police Station 1 ang kanilang mga PNP personnel para sumailalim sa 14 days quarantine habang hinihintay ang resulta ng mga test.

Kaugnay nito, pansamantala rin munang ipinahinto ang pag iisyu ng mga police clearance dahil sa lockdown.

Samantala, nabanggit din ng opisyal na nasa isolation facility na ang 9 sa mga PDL na direct contact ng nagpositibo sa virus.

Sa kabila nito, inaalam pa ng contact tracing team kung saan nakuha ng PDL ang virus.