NAGA CITY – Hiniling ngayon ng Naga City Health Emergency Response Task Force sa Inter Agency Task Force (IATF) na pansamantalang isailalim ang siyudad sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Setyembre 8 hanggang 24.
Ang naturang apela ang may kaugnayan sa taunang selebrasyon ng Penafrancia Fiesta kung saan milyong mga deboto, pilgrims at bisita ang bumubuhos sa ungsod.
Una rito, buwan pa lamang ng Hulyo nang magpasya na ang Archdioces of Caceres at lokal na pamahalaan na isuspinde ang lahat ng aktibidad sa Penafrancia festival dahil sa banta ng COVID-19.
Ngunit sa kabila nito, inaasahan na aniya ng mga otoridad na marami parin ang magpupumilit na makapasok sa lungsod sa panahon ng pagdiriwang ng kapistahan ni Nuestra Senora de Penafrancia.
Kaugnay nito, kasaling maipatupad ang MECQ sa lungsod, mas makokontrol ang mga tao sa iba’t ibang religious activities, maging ang mahigpit na screening enforcement sa Quezon-Camarines Sur provincial boundary at iba pang border control at internal security.