Nakatakdang silipin ng National Privacy Commission (NPC) ang naging aberya ng isang kilalalang e-wallet na GCash kung saan nalimas ang lahat ng lamang pera ng mga e-wallet owners.
Ayon sa komisyon, iimbestigahan nila kung nagkaroon ng paglabag sa data privacy ng kanilang mga user partikular ng malaking kompanyang nagpapatakbo nito.
Kung maaalala, nag-trending sa ibat-ibang social media platforms ang pakawala ng pera ng mga users nito sa kanilang mga accounts ng hindi namamalayan.
Maging ang kilalang comedy-actress na si Pokwang ay nawalan rin ng malaking halaga.
Tutukuyin rin ng komisyon sa kanilang isasagawang imbestigasyon kung nakompormiso ang data ng kanilang mga e-wallet users.
Tiniyak naman ng kompanya na ligtas ang lahat ng mga pera ng kanilang mga customer at ito aniya ay maituturing na isolated incident lamang.