Ipinag-utos ng Department of Labor and Employment ang imbestigasyon sa pagsabog sa isang Zambo firecrackers warehouse para sa mga posibleng paglabag nito sa occupational safety at health standards.
Sa isang panayam, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, inatasan na niya ang DOLE-Zamboanga Peninsula na magsagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente.
Ayon kay Laguesma, nagbigay na ito ng instructions sa kanilang DOLE regional director upang madaliin nito ang pagsilip sa posibpeng mga paglabag ng kumpanya.
Pansamantala namang ititigil ng ang operasyon sa warehouse habang isinasagawa ang imbestigasyon ng mga otoridad.
Layon nito na masiguro ang kaligtasan ng mga manggagawa doon .
Sinabi ni Laguesma na hihintayin nila ang ulat ng DOLE – Zamboanga Peninsula sa uri ng tulong na kailangan ng mga apektadong manggagawa.