-- Advertisements --
NAGA CITY- Tinatayang aabot na sa halos kalahating milyon ang nagastos ng OWWA-Bicol sa mga umuuwing OFW’s sa Bicol Region.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rowena Alzaga, tagapagsalita ng OWWA-Bicol, sinabi nito na ang nasabing halaga ay ginamit para sa tranportasyon ng mga ito.
Ayon kay Alzaga, umabot narin sa mahigit 2,500 indibidwal ang natulungan ng OWWA-Bicol sa buong rehiyon.
Dagdag pa nito na sa nasabing numero, pinakamarami ang natulungan sa parte ng probinsya ng Albay na nasa 354, pangalawa ang Camarines Sur na mayroong 127 indibidwal , sumunod ang Camarines Norte, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.
Sa ngayon nagpapatuloy parin umano sa pagbibigay ng tulong ang nasabing ahensya sa mga papauwing mga OFW’s.