-- Advertisements --

Maglulunsad ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagbubukas ng 18th Congress ukol sa nagbabadyang Luzon-wide blackouts.

Sa isang statement, sinabi ni Deputy Minority Leader at Makati City Rep. Luis Campos na maghahain sila ng resolusyon sa Hulyo 1 para paimbestigahan sa House committee on energy ang naturang issue.

Papaimbestigahan daw nila sa naturang komite ang umano’y delays sa installation ng mga bagong power plants na maaring magresulta sa Luzon-wide rotating blackouts.

Ayon kay Campos, dapat na maiwasan ang pagkakaroon ng shortage sa kuryente kung hangad daw nating lumago ang ekonomiya ng bansa sa optimal annual rate na 6.5 ercent o mas mataas pa at para makagawa rin ng mga trabaho sa mga susunod na taon.

“The incoming Congress has to look into the supposed regulatory issues that have set back the construction of additional power plants,” ani Campos.

Kamakailan lang naglabas ng babala ang San Miguel Corp. na posibleng magkaroon ng “rotating blackouts” simula sa susunod na taon hanggang 2022 dahil sa pagkaantala sa pag-set up ng mga bagong power plants sa gitna ng patuloy na pagtaas ng demand.

“There is already a looming shortage that is why (electricity) prices in the spot market are high,” dagdag pa nito.