CENTRAL MINDANAO- Ang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ay bahagi ng mga serbisyong proteksiyon ng DSWD para sa mga mahihirap at higit na nangangailangan. Ilang dekada na rin na ipinapatupad ng DSWD ang programang ito bilang bahagi ng technical assistance at resource augmentation na pangsuporta sa mga LGU at iba pang partners ng nasabing ahensya.
Sakop ng programang ito ang mga tulong pinansyal para sa transportation, medical, burial, education at food and non food assistance para sa mga higit na nangangailangan.
Labis ang pasasalamat ni Cotabato Vice-Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa tulong na natanggap para sa mga Cotabateños mula sa mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Sen. Bong Go. Tiniyak din ni VG Lala na magagamit ng wasto ang tulong na natanggap nito.