CENTRAL MINDANAO-Gulat at dismayado ng isang grupo ng massage therapist sa Kidapawan City nang ma-blacklist sila sa vaccination rollout nang dahil lang sa diumano’y pagbibiro ng kanilang amo sa vaccination team ng Kidapawan City Health Office.
Sinabi ni Gerard Pandillion, na siyang may-ari ng Massage Spa at nasangkot sa gulo, naglakas loob at umasa na maisingit ang kanyang 12 mga therapist sa pagpapabakuna dahil may mga comorbidities ang ilan dito at nabatid na delikado din anya ang kanilang trabaho na iba-iba ang nakakaharap na tao.
Pinayuhan anya silang maghintay dahil may mga naka iskedyul na nakatakdang bakunahan sa araw na iyon, subalit sa pagpupumilit ni Pandillion ay nakapagbitiw anya siya ng salita sa isang staff ng ospital.
“Ahh, maski gamay lang sir singit, 12 lang man mi kabook, sa balay gani nila Mayor naay bakunahan” na siya namang naging hudyat ng komusyon sa vaccination site.
Nilinaw ni Pandillion, joke lang niya ito, at wala naman anya siyang intensyong ma-offend ang vaccination team.
Dahil sa kanyang naging pahayag ay pinag-antay anya sila ng limang oras na hindi nila alam na blacklisted na pala sila.
Inamin naman ni Pardillion na gumamit ito ng Photocopy ng medical referral at pinagpapalitan ang ilang mga datus at impormasyon dito para mabakunahan ang kanyang mga empleyado, na anya posibleng isa mga dahilan kung bakit na-blacklist ang mga ito.
Nang dumulog si Pardillion kay Kidapawan City Health officer, Dr. Jocelyn Encienzo ay aminado itong hindi siya naging mahinahon sa pagharap dito rason para palabasin sila ng mga pulis.
Sinabi naman ni Mayor Joseph Evangelista na disidido ang pamunuan nitong kasohan si Pardillion kung saan diumano’y nakuhanan ito ng bidyo na nanggulo at nagbanta sa vaccination team.
Handa naman anya si Pardillion na harapin ang reklamong pinupukol sa kanya, at anya titigil lang ito kung sila’y nabigyan na ng bakuna.