-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Office of the Vice President (OVP) na private trip lamang ang ginawang pagtungo ni Vice President sara Duterte sa bansang Japan.

Sa impormasyon mula sa tanggapan ng pangalawang pangulo, nabatid na personal na pinuntahan ng opisyal ang ilang grupo ng mga overseas filipino workers (OFWs).

Nangyari umano ito nitong nakalipas na weekend at ngayon ay nakabalik na sa Pilipinas ang bise Presidente.

Wala namang inilahad na impormasyon ang OVP kung ano ang pangunahing sadya ni VP Sara sa kaniyang byahe sa Japan.