-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology sa pamamagitan ng kanilang Cybersecurity Bureau at National Computer Emergency Response Team, ang naganap na malawakang cyber software outage kahapon.

Sa isang pahayag , sinabi ni DICT Assistant Secretary for Legal Affairs at ng kanilang Spokesperson na si Renato Paraiso na ang naganap na software outage ay dulot ng hindi akmang update ng kilalang cybersecurity provider.

Ito ay naiulat na nakaapekto sa mga kumpanya sa buong Mundo pati na ang Pilipinas na isa ring suki sa paggamit ng Microsoft Product.

Sa kabila nito ay siniguro ng ahensya sila ay hindi gumagamit ng kaparehong sistema kaya hindi sila apektado nito.

Walang hinto rin ang ahensya sa pakikipag ugnayan sa mga concerned agencies upang masiguro na walang mga nakumpurmisong datos ang mga ahensya ng pamahalaan.

Layon din nito na makakuha ng importanteng impormasyon at datos ng naging epekto nito.