-- Advertisements --
KIDS EVACUEES QUAKE MAKILALA
Evacuees in Makilala, North Cotabato (file photo)

CENTRAL MINDANAO – Tumaas pa ang bilang ng mga evacuees ng lindol ang nagkakasakit sa probinsya ng Cotabato.

Karamihan sa mga naisugod sa pagamutan ay nagkakalagnat, sipon, ubo, lbm at iba pa.

Sinasabing dulot ito ng paiba-ibang klima ng panahon, minsan sobrang init at biglang bubuhos ang ulan.

Siksikan din sa mga evacuation sites at hirap pa sa palikuran ang mga bakwit.

Karamihan sa mga nagkakasakit ay mga kabataan at maging ang mga matatanda.

Agad namang pinatutukan ni Cotabato acting Governor Emmylou ”Lala” Mendoza sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) ang kalusugan ng mga bakwit na nagkakasakit sa mga evacuation sites.