-- Advertisements --
image 4

Naobserbahan sa idinaos na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) ang nagkalat na basura at iba pang paglabag sa environmental law.

Iniulat ito ng EcoWaste Coalition kung saan ang mga sample ballot, single-use food and beverage packaging, at iba pang campaign materials ay pinabayaan sa ilang presinto at sa mga lansangan.

Ipinunto ng environmental group na ito ay lumalabag sa Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, gayundin sa Metro Manila Development Authority Resolution No. 96-009 o ang Anti-Littering Law sa NCR.

Ayon sa zero waste campaigner ng EcoWaste na si Ochie Tolentino, bagama’t malinis ang ilang polling centers, lalo na ang nasa labas ng Metro Manila, nakitang maraming mga lugar na may nagkalat na sample ballots, plastic bottles, Styrofoam food containers, at iba pang single-use plastics.

Naobserbahan din ng Ecowaste ang hayagang paglabag na direkta at hindi direktang nakakasira sa kapaligiran gaya ng plastering ng campaign posters sa labas ng Commission on Elections-designated areas, partikular sa mga puno, poste ng kuryente at mga pader.

Ayon sa grupo, ang mga lalabag sa RA 9003 ay mumultahan ng P300 at P1,000, o paparusahan ng community service ng 1 hanggang 15 araw, o pareho habang ang mga Anti-Littering Law offenders ay mumultahan ng P500 at P1,000, o community service ng 1 hanggang 15 araw o pareho.