Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kasong kriminal sa mga personalidad na nagkanlong umano at tumulong kay Ozamis City Councilor Ricardo Ardot Parojinog na makatakas sa bansa.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief, Director Roel Obusan, mayroon na silang mga impormasyon kaugnay sa pagkakilanlan ng mga nagkanlong kay Parojinog.
Tumanggi naman si Obusan na pangalanan ang mga ito dahil ongoing daw ang kanilang case build up sa mga ito.
Paliwanag ni Obusan, mababalewala lamang kung babanggitin nila ang mga sangkot sa kanilang imbestigasyon kaya mas mainam na kumpletuhin muna ang kanilang mga ebidensya bago ito isapubliko.
Una nang sinabi ni Ozamiz City director Supt. Jovie Espenido na isang Filipino-Chinese ang tumulong kay Parojinog para makalabas ito ng bansa.
Pero no comment dito sina Obusan at PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde.
Sinabi ni Albayalde na ang mahalaga ngayon makausap si Ardot para makakuha ng mga impormasyon.