BUTUAN CITY – Gagawa na ng imbestigasyon ang Cyber-security Bureau ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kaugnay sa nanglabasan ngayong mga pekeng Facebook Accounts.
Sa eksklusibong panayam sa Bombo Radyo Butuan, inihayag ni DICT assistant secretary Alan Silor na kasama nila sa imbestigasyon ang National Privacy Commission (NPC) kung saan sa ngayon ay nakikipag-ugnay na sila sa Facebook Philippines uoang masegurong hindi na ito mauulit pa bilang proteksyon naman sa milyong mga users.
Ayon kay Engr. Silor, problema na ito noon pa ngunit na-highlight matapos na nababahala na sa kanilang seguridad ang nabibiktima ng identity hacking.
Aminado ang kalihim na malaking tulong sa mga netizens ang Facebook lalo na ngayong panahon ng pandemic.
Umaasa ang opisyal na sa ginawang imbestigasyon ay mapaparusahan na ang mga responsable sa nasabing modus upang wala nang mag-iisip pang gagawa nito.