LAOAG CITY – Nasa kamay na ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) ang tatlong mga rifle grenade na narekobre sa ilog na sakop ng Barangay Libanaoan, Piddig, Ilocos Norte.
Ayon kay Police Captain Kristofer King Ramos, chief of police ng PNP Piddig, dapat na inspeksiyonin ng maigi ang mga granda para malaman kung aktibo pa ito o hindi na.
Naniniwala ang ospiyal na dahil sa mahigpit na kampanya ng Philippine National Police sa pamamagitan ng search warrant operations ay dahilan upang ipaanod ng nagmamay-ari ang mga granada sa ilog.
Kung maalala ay naalarma ang isang kasapi ng Philippine Army na si CPL Calixto Relard Esteban, at residente ng nasabing barangay matapos makita ang naaanod na tatlong riffle grenade na nakalagay sa katawan ng saging habang naliligo sa ilog.