KALIBO, Aklan – Nasa 10% pa lamang ng mga fully vaccinated na mga indibidwal sa Aklan ang nakapagpaturok ng booster shot laban sa COVID 19.
Ito ang sinabi ni Dr. Cornelio Cuatchon, Jr. ng Provincial Health Office (PHO)-Aklan kasabay ng isinagawang ika-apat na “Bayanihan, Bakunahan” sa lalawigan.
Aniya, ito ay binubuo ng 48,945 na mga indibidwal mula sa bilang na mahigit na 300,000.
Kasabay nito, hinikayat niya ang mga eligible population lalo na ang mga senior citizens na magpa-booster shots upang magkaroon ng dagdag proteksyon laban sa anumang uri ng variant ng sakit.
Maari umanong magpa-booster shot ang mga fully vaccinated na naturukan ng 2nd dose sa nakaraang tatlong buwan.
Samantala, target rin ng kanilang dalawang araw na National Vaccination Days ang natitirang 12 hanggang 17 anyos na pediatric population.
Halos 75% na ng target population sa Aklan ang fully vaccinated.