ILOILO CITY – Nasa kustodiya na ng pulisya ang nagpakilalang pastora matapos kinidnap ang pitong taong gulang na bata sa Barangay Luca, Ajuy, Iloilo.
Ang arestado ay si Julie Rose Recalde , 40, residente ng nasabing barangay at pastora umano sa isang simbahan sa Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PLt. General Enrique Robles, hepe ng Ajuy Municipal Police Station, sinabi nito na kinuha ng suspek ang bata sa kadahilanang, hindi umano ito inaalagaan ng tama ng kanyang mga magulang.
Dinala naman ng suspek ang bata sa isang abandonadong bahay.
Ayon kay Robles, matapos makatanggap ng report mula sa mga barangay officials, kaagad nilang pinuntahan ang lugar.
Kinausap nito ang suspek at kaagad namang sumama at ibinigay ang patalim.
Wala naman umanong intensyon ang suspek na saktan ang bata ayon sa hepe.
Lumabas sa imbestigasyon na may problema sa pag-iisip ang suspek.
Idinahilan ng suspek na dinala nito ang bata sa kisame ng abandonadong bahay matapos nakakita umano ito ng aswang.
Kaagad namang isinailalim sa psychological debriefing ang menor-de-edad.
Desidido naman ang pamilya ng biktima na sampahan ng kaso ang suspek.
Nagpakilala pastora, huli matapos kinidnap ang menor de edad na bata sa Iloilo