-- Advertisements --

DAVAO CITY – Agad na pinosasan ng Bunawan Police Station ang isang lalaking nagpakilalang bodyguard ni Kapa Founder Pastor Joel Apolinario dahil sa hindi linsensyadong baril nito.

Nakilala ang suspek na si Edilberto Naupan, 44 anyos at residente ng Bislig, Surigao del Sur na nahuli matapos na makuha mula sa posisyon nito ang .45 kalibre na baril nang dumaan sa checkpoint.

Nabatid na papunta sana ng Davao City si Naupan na mula pa sa Surigao City subalit nahuli ito ng mga otoridad matapos dumaan sa checkpoint ng Task Force Davao at Bunawan Police Station.

Maliban sa baril, nakuha rin mula sa sasakyan ng suspek ang 13 na mga bala ng .45 caliber pistol, limang box na mayroong 77 mga bala ng .22 long rifle at walong bundle ng ti-tig P500,000 na umabot hanggang P4 million.

Sa pamahayag ni Police Major Noel Villahermosa, station commander ng Bunawan Police Station na pay-out umano ni Naupan ang nasabing mga pera mula sa KAPA Investment Scheme.

Higit pa rito, sinubukan pa umano ng suspek na bayaran si Police Corporal Alicer CaƱete ng nagkakahalagang P6,500 para hindi siya huliin nito.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Bunawan Police Station ang nasabing suspek.