TACLOBAN CITY – Iginiit ng 14th Infantry Battalion Philippine Army na hindi nila basta basta na ibibigay ang bangkay ng namatay na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkwentro sa Borongan City, Eastern Samar kamakailan.
Ito matapos na may nagpakilalang mga indibidwal na kaanak daw ng namatay na rebelde ang pumunta sa kanila para sana kunin ang labi nito.
Ayon kay Lt. Col. Jasper Pecson, commanding officer ng 14th Infantry Division, wala silang balak na ibigay ang bangkay kung walang maipapakitang dokumento na magpapatunay na kaanak nga nila ang nagki-claim dito.
Sa ngayon ay nasa Borongan City pa rin ang nasabing bangkay at ipinangako ng lokal na pamahalaan na sila na ang gagastos sa pagpapalibing nito.
Ayon pa sa opisyal ito ay nagpapakita lamang kung gaano kabuti ang gobyerno dahil kahit na isang rebelde ang namatay ay mabibigyan pa rin ito ng maayos na libing.