-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nahuli sa entrapment operation ng mga otoridad ang nagpakilalang police colonel at nangikil sa isang alkalde sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Ryan Calayan Maborrang, 33, at residente ng Barangay General Luna, Carmen, Cotabato.

Ayon kay Pikit chief of police Mayor Maxim Peralta, nagpakilala aniya ang suspek bilang si Police Colonel Joel Limson ng PRO-12 sa tanggapan ni Pikit Mayor Sumulong Sultan.

Nanghihingi raw si Maborrang ng halagang P50,000 kay Mayor Sultan kapalit ang pagsasagawa ng police operation laban sa katunggali nito sa politika.

Agad tumawag ni Mayor Sultan kay Pikit chief of police Major Maxim Peralta at nagsagawa nang mabilisan na entrapment operation.

Nang iabot na ng mga pulis ang boodle money na P50,000 ay agad itong inaresto.

Ang suspek ay sangkot sa extortion activity at Awol sa serbisyo bilang sundalo.

Sa ngayon ay nakapiit na si Maborrang sa costudial facility ng Pikit PNP at nakatakdang sampahan ng kaso.