-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Aaksyunan ng isang Brgy. Kapitan ang reklamo ng barangay tanod matapos umano itong kasahan ng baril ng isang nagpakilalang pulis.

Ayon kay Baluan Brgy. Captain Armando Diamante, rumesponde ang tanod matapos mabangga ng lasing na umanoy pulis ang isang indibidwal sa highway.

Pero mas matapang at naghanap ng gulo ang nagpakilalang pulis sa pamamagitan ng pagturo at pagtutok ng baril sa barangay tanod na agad namang tumakbo palayo sakay ng motorsiklo.

Gayunman, nakuha ang plate number ng motorsiklo at ngayon ay ipina-blotter na sa Lagao Police Station.

Ayon naman kay PLT MARLON O. BUADO, Provincial Superintendent ng Sarangani Internal Affairs Service (PIAS), maaring masibak sa pwesto ang nasabing pulis dahil sa “conduct unbecoming” na pinakita nito.

Gayunpaman, nagpapatuloy din ang imbestigasyon ng pulisya at sinusuri ang katotohanan kung pulis nga ba ang suspek sa insedente.