KORONADAL CITY – Kinuwestion ng isang Covid-19 protocol violator ang paninita ng mga tauhan ng Civil Security Unit-Koronadal (CSU-Koronadal) sa kanya dahil sa hindi pagtalima sa pagsusuot nga face shield sa pagpasok sa loob ng Merkado Publiko sa lungsod ng Koronadal.
Ito ang naging pahayag ni Koronadal City Public Market Supervisor Junard Manansala sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Manansala, nagpakilala umanong kasapi ng hukbong sandahan ng Pilipinas ang isang lalaki na tinawag ang sarili na si Sargeant Fontallia nang sitahin ito ng isang CSU dahil wala itong face shield at pinagbawalang pumasok sa loob ng Merkado publiko.
Katwiran naman ng nasabing lalaki sa mga kasapi ng CSU, pwede namang face mask na lamang ang soutin sa palengke dahil hindi naman sarado ang paligid at di nman ito airconditioned.
Depensa pa ni Manansala, di naman pwede pilosopohin ng nasabing nagpakilalang sundalo nang ganun na lamang ang mga kasapi ng CSU dahil sumusunod at nagpapatupad lamang sila sa mga iniaatas din sa kanila.
Kasabay nito, hinikaya’t naman ni Manansala ang nasabing sundalo na makipag-usap sa kanya matapos na ipina-blotter na rin nito ang nangyari.
Sa salaysay naman ng CSU, pinahintulutan na lamang nila na makapasok sa palengke ang nasabing sundalo ngunit ipinasulat nila ang pangalan at kinunan ng larawan.
Bukas naman ang Bombo Radyo Koronadal sa oanig ng nabanggit na sundalo.