ILOILO CITY – Magsasampa ng kaso ang PNP laban sa nag-upload ng video sa Youtube kung saan pinangalanan ang pitong police personnel na tinuturong nasa likod ng riding-in-tandem killings sa Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCol. Uldarico Garbanzos, director ng Iloilo City Police Office, sinabi nito na hindi pa natutukoy ang tao sa likod ng nasabing video ngunit patuloy ang imbestigasyon ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) ng Police Regional Office (PRO)-6.
Una rito, pinost ang video sa Youtube noong Marso 2, 2021 at may pamagat na “Iloilo City Riding in Tandem
Killings.”
Apat na mga biktima ang pinakilala sa video na binaril-patay simula noong Setyembre 2019 at ang pinakahuling kaso ay noong Enero 2020.
Pitong mga pulis ang pinangalanan at itinurong mga kriminal.
Una nang sinabi ng ICPO na ang tinukoy na mga pulis ay asssigned anay bilang anti-illegal drug operators.
Anim sa kanila ay nasa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU) ng PRO-6 at ang isa ay nasa
General Services Office ng ICPO.
Nilinaw ni Garbanzos na wala pang kasong isinampa laban sa nasabing mga pulis at walang ebidensya na magpapatunay sa mga akusasyon laban sa kanila.