-- Advertisements --

Dinampot ng Bureau of Customs (BoC), ang isang “hao-shiao” o taong nagpapanggap na tauhan ng Customs at hinihinalang may kinalaman sa tara collection.

Base sa inisyal na report, ang suspek na kinilalang si Xavier Daniel Gabriel, 19-anyos.

Nakasuot umano ng expired at dilapidated na BoC ID na valid hanggang March 1, 2019 lamang.

Inaresto si Gabriel matapos makakita ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na kasalukuyang naka destino sa Intelligence Group (IG), ng malalaking halaga ng pera, deposit slips, at apat (lna pass books sa loob ng envelope nito na pawang nakapangalan kay Renly Tiñana, alyas “Empoy” ng Port of Manila.

Base pa rin sa Intelligence Division, si Gabriel ang siyang nagsisilbing courier ni Mr. Tiñana sa pagde-deliver ng cash para sa mga bank deposits.

Ayon sa BoC, ang pagkakaaresto kay Gabriel ay patunay anila ng repormang ipinapatupad sa Customs katuwang ang AFP at Philippine Coast Guard (PCG) sa para masugpo ang kurapsyon.