CEBU CITY – Nahaharap ngayon sa kasong illegal possesion of firearms at paglabag sa Batas Pambansa Bilang-6 ang apat na nagpakilalang mga “Datu” sa sinasabing tribu.
Ito ay matapos mahuli ang miyembro nang tinaguriang “Tribu Alima-ong” na sina Kali Sirol, 31; Datu Ilra Kidlat, 40; Kali Pantir, 49, at Datu Apo Rajah Caballes, 48 anyos dahil nangongotong sa mga vendors ng Cebu Public Market sa kadahilanan na sa kanila ang lupa na tinatayuan ng nasabing palengke.
Una nito, naalarma ang mga vendors sa pagdating ng apat katao na nakasuot ng real tree pattern camouflage, may nga tribal accessories, mahahaba ang balbas, bitbit ang baril at may espada pa.
Naniningil umano ito bayad dahil pinagmamay-ari nila ang nasabing lupa.
Agad namang rumeresponde ang mga pulis hanggang sa mahuli ang apat.
Nang makapanayam naman ng Bombo Radyo Cebu si Datu Apo Rajah, ang nagpakilalang “general” ng kanilang tribu na meron umano siyang dokumento na magpapatunay na sa kanya ang 634,000 sq meters na naturang lupain.
Iligal din umano ang pagdakip ng mga pulis sa kanila dahil isa umanong violation sa kanilang tribu ang pagdakip sa isang datu general.
Ayon pa kay Datu Apo na dating nagmamay-ari ng nasabing lupa ay ang kanya umanong lolo na si Rajah Jumabon at kalaunan ay na-ilipat na sa kanya.