-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology na organisadong grupo ang nasa likod ng mga kumakalat ngayong fake news online. 

Ito mismo ang kinumpirma ng kagawaran sa kanilang isinasagawang monitoring matapos mapaulat na nagkaroon ng spike o pagtaas sa hacking incidents na kanilang naitala. 

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Undersecretary Jeffrey Ian Dy ng Department of Information and Communications Technology, ipinaliwanag niyang may koneksyon umano ito sa pagkakaaresto ni Former President Rodrigo Roa Duterte. 

Sapagkat aniya’y nakadisensyo ang hacking na kanilang nadiskubre na magpakalat ng maling impormasyon upang lituhin ang publiko hinggil sa legalidad ng pagkakaaresto sa dating pangulo. 

‘The message was very clear dun sa mga attempts to attack government services atsaka dun sa mga hacking collectives calling to attack government agencies. Maliwanag na ang attempt was to spread out a message to the current government,’ ani Undersecretary Jeffrey Ian Dy ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

‘Yung mga disinformation, malinformation also designed regarding to put confusion regarding the legality of the arrest warrant served against the former president, so I think they are related,’ dagdag pa ni USec. Jeffrey Dy ng DICT.

Ibinahagi rin ng naturang undersecretary ang kanilang pangamba dahil sa kanilang nadiskubre na posibleng organisadong grupo ang pasimuno ng ganitong iligal na gawain.

Kung saan ibinunyag ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy na ang ilan sa kanilang mga namonitor na hackers ay mga Pilipino na kasalakuyan namang nasa abroad. 

Ngunit hindi lamang iyon sapagkat aniya’y ang ilan pa ay naghahanap o nagtatawag ng volunteers para lamang i-hack ang iba’t ibang websites ng gobyerno at patuloy na magpakalat ng maling impormasyon. 

‘Ang nakakatakot dito, this seemed to be organized also. Diba kasi hindi naman kayang gawin yan ng isang tao like I mentioned there are at least two hacking collectives calling for volunteers to attack government. So this is organized,’ ani Undersecretary Jeffrey Ian Dy ng Department of Information and Communications Technology (DICT).