CAGAYAN DE ORO CITY – Kakasuhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Northern Mindanao ang kanilang naaresto na itinuturing na pangwalo sa Top 10 most wanted drug target listed personality sa inilunsad na drug raid ng tatlong bahay sa bahagi ng Sitio Balongis, Brgy. Balulang, Cagayan de Oro City.
Binanggit ni PDEA agent Ben Calibre na gumamit ng tatlong identity ang kanilang target sa pag-serve ng search warrant kung saan ang subject na nakilalang si Pidao Itomama ay gumamit din ng mga pangalang Jalila Tanggo at Jalila Macapanton.
Aniya, nagpapakilala bilang social worker ng DSWD ang suspek at nakuha mismo sa loob ng kanyang bahay ang kanyang DWSD ID, tatlong malalaking sachet na pinaghininalaang shabu at anim pang maliliit na pakete na may crystalline substance ang nakuha sa iba’t ibang bahagi sa bahay kung saan nagtatago ito.
Aabot na sa mahigit P200,000 ang estimated market value sa mga nakumpiska na droga sa posisyon ni Itomama.
Pagpalabag ng kasong Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa ng PDEA laban sa arestadong suspek.