-- Advertisements --
Nagbabala ang Bombo Radyo Philippines sa publiko hinggil sa nagpapakilalang tauhan ng kompaniya na lumalapit sa ilang opisyal ng gobyerno para sa personal nitong pakinabang.
Sinasabing ilan sa nilapitan ng nagpakilalang alyas “Romy,” na kung kung minsan ay alyas “Rolly” ay mga miyembro ng Kongreso.
Sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ito para tuluyang sampahan ng kaso.
Kaya naman, hinimok ng Bombo Radyo ang may sapat na detalye ukol sa taong ito o sa kahalintulad na modus operandi na agad isumbong sa himpilan ng Bombo Radyo at Star FM o sa pinakamalapit na tanggapan ng pulisya para sa karampatang legal action.
Naninindigan ang Bombo Radyo sa mahigpit nitong patakaran sa kompaniya na hindi nagbibigay-daan sa anumang iligal na aktibidad.