LEGAZPI CITY – Lalo pa umanong bumaba ang bilang ng mga nagpaparehistrong botante sa Commission on Election (Comelec) kasunod ng paglabas ng ulat sa posibleng postponement sa barangay at sangguniang kabataan elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Comelec Bicol director Atty. Maria Juana Valeza, mula sa target na 300,000 nasa 60,000 pa lamang ang mga nagpaparehistrong botante sa rehiyon kahit papalapit na ang deadline sa Setyembre.
Ayon kay Valeza, mismong ang komisyon na an nagtungo sa mga barangay para sa registration subalit kulang na kulang pa rin ang nagpaparehistro dahil marami umano ang nawalan ng interes dahil sa postponement.
Subalit binigyang diin ng opisyal na kailangan pa rin na magparehistro lalo pa at hindi pa rin tiyak kung matutuloy o hindi ang eleksyon habang magagamit naman ito sa Presidential election sa 2022.