-- Advertisements --

WASHINGTON, DC – Nababahala ang ilang grupo sa Estados Unidos sa dumaraming kaso ng nagpapatiwakal mula sa hanay ng mga retiradong sundalo.

Sa data ng Department of US Veterans Affairs, lumalabas na 20 dating sundalo kada araw ang kumikitil sa kanilang sariling buhay, sa iba’t-ibang paraan.

Kaya naman, noong 2007 ay lumikha sila ng hotline na tinawag na Veterans Crisis Line.

Dito ay maaaring tumawag ang sinumang dumaranas ng depression sa linyang 1-800-273-8255.

Pero hindi inakala ng Veterans Affairs na papalo sa 3.5 million ang matatanggap na tawag mula sa nasabing linya.

Kaya naman, kumuha sila ng ilang dating sundalo rin na may kakayahan sa ganitong usapin at narespondehan ang mahigit 100,000 callers. (CBS)