-- Advertisements --
Personal na humarap sa ika-anim na pagdinig ng Senate committee on justice ukol sa isyu ng mga katiwalian sa Bureau of Corrections (BuCor) si dating CIDG chief at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Inamin ni Magalong na dati na nilang na-detect ang mga transaksyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) ngunit limitado ang kanilang access.
Hanggang ngayon aniya ay may mga impormasyon silang nagpapatuloy pa rin ang drug transactions.
Maliban dito, ilang iligal na gawain din umano ang dati pang namamayagpag na hanggang ngayon ay mayroon pa ring katulad na mga pangyayari.
Pero kung ihahambing sa sitwasyon noon, malaki na raw ang nabawas sa mga aktibidad na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.