-- Advertisements --

Nagpapatuloy na industrial strike sa United Kingdom na tinuturing pinakamalala sa nakalipas na ilang dekada, tatagal pa sa hangang Enero

Inaasahang lalala pa ang nagaganap na mga strikes na isinasagawa ng ibat-ibang sektor sa buong United Kingdom.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay James Goh, train driver sa London, sinabi nito na ang isinagawa nilang strike ay resulta ng
economic stagnation dahil sa coronavirus pandemic at mahabang lockdowns,pag-exit ng United Kingdom sa European Union, at maging ng Russian invasion sa Ukraine na nagdulot ng masamang epekto sa ekonomiya.

Ayon kay Goh, naitala rin ang double-digit inflation na 11% na nag-trigger ng cost-of-living crisis.

Sinabi nito na ilan sa mga nagsagawa ng strike ay mula sa sector ng edukasyon, health, transportasyon at maraming iba pa.

Tatagal ito hanggang sa Enero.

Napag-alaman na ito ang paraan ng public sector workers upang i- pressure ang pamahalaan na taasan ang kanilang sahod sa gitna ng kanilang lumalalang sitwasyon.

Sinabi naman ni Prime Minister Rishi Sunak na ang paraan lang upang ma- improve ang economic conditions ay ang mapababa ang inflation.