-- Advertisements --

Binalaan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga mambabatas na naglagay ng ilang pagbabago sa entry ng 2019 national budget na inaprubahan sa bicameral conference committee.

Ang pahayag ni Drilon ay kasunod ng sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na may ilang kongresistang nagpasok ng ilang amyenda sa pambansang pondo para sa ilang proyekto, kaya na-delay ang pag-transmit nito sa Malacanang.

Ayon kay Drilon, mahaharap sa falsification of legislative documents ang sinumang gumawa nito, kung meron man.

Mahalaga aniyang matiyak na tugma ang data ng Senado at Kamara dahil idinaan naman ito sa proseso ng bicam.

Nabatid na tatlong buwan nang atrasado ang pagsasabatas ng P3.7 trillion national budget dahil sa sari-saring rason.