-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Umakyat na sa 72 ang bilang ng nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito ang kinompirma ni Ministry of Health (MOH-BARMM) Minister Dr. Safrullah Dipatuan.
Ayon Dipatuan na batay sa datus ng Ministry of Health, pito ang nadagdag sa bilang na ito kung saan apat ang panibagong COVID-19 positive sa Maguindanao samantalang tatlo naman sa probinsya ng Lanao del Sur.
Ang mga ito ay pawang mga Locally Stranded Individuals (LSI) na nanggaling sa mga high risk areas.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng Bangsamoro government ang mga health protocols kontra COVID-19.