Nakapagtala ng isang panibagong kaso ng Coronavirus Disease (Covid-19) ang probinsya ng Cotabato.
Itoy batay sa pinakahuling tala ng DOH-CHD SOCCSKSARGEN Region at IPHO-Cotabato.
Ayon kay PIATF ICP Head BM Philbert Malaluan na ang ika -83 na pasyente ay isang 32 anyos na lalaki at nagmula sa Kidapawan City.
Isa itong government employee na walang history of travel sa nakalipas na buwan ngunit noong Agosto 29 ay nakaranas ito ng flu-like symptoms dahilan upang iconfined ito sa Kidapawan City Hospital, isang COVID-19 Temporary Treatment and Monitoring Facility.
Sumailalim ito sa swab test noong on September 2 at na- discharged noong September 8 na agad namang inindorso sa BHERTs para sa mahigpit na home quarantine ngunit kahapon lamang lumabas ang resulta ng kanyang swab test.
Tiniyak pa ni BM Malaluan na ang pasyente ay asymptomatic, nasa stable condition at isolated.
Nagsasagawa na ng contact tracing para sa posibleng nakasalamuha nito.
Sa ngayon ay umaabot na sa 83 katao ang nagpositibo sa Covid 19,27 active cases at 54 recoveries sa probinsya ng Cotabato