-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Daig pa ang sumali sa paligsahan sa pagtakbo ng mga sabungero sa nangyaring raid ng pulisya sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay M’lang chief of police Lt. Col. Realan Mamon na tumanggap sila ng impormasyon sa mga nagsasabong sa Purok 8, Barangay Dalipe, M’lang, Cotabato.

Agad silang nagsagawa ng sorpresang operasyon ngunit singbilis ng kidlat na nakatakas ang mga sabongero.

Minalas naman ang mga sabongero dahil naiwan nila sa pagtakas ang kanilang mga panabong na mga manok, mga tsinelas, mga motorsiklo at bike.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng M’lang PNP at sasampahan ng kaso ang mga nagsasabong.