-- Advertisements --
Nagpapatuloy hanggang sa ngayon operasyon ng militar sa Bohol para tugisin ang mga bandidong Abu Sayyaf.
Target din sa operasyon ang umano’y guide ng grupo na siyang nagdala sa buong grupo ni ASG sub-leader Muammar Askali alias Abu Rami na napatay sa enkwentro laban sa mga tropa ng pamahalaan.
Namahagi naman ang militar ng mga flyers na may larawan ni Joselito Melloria, alias Abu Alih na siyang nag guide sa mga Sulu based Abu Sayyaf members na magtungo sa Inabanga, Bohol.
Bukod kay Mellora pinaghahanap pa sa ngayon ang walo pang Abu Sayyaf members na kabilang sa grupo ni Abu Rami.