-- Advertisements --
LAOAG CITY – Nagpaalala na naman si Most Reverent Bishop Renato Mayugba ng Diocese of Laoag sa mga pupunta ng simbahan na huwag magsuot ng mga “revealing clothes.”
Ginawa ito ni Mayugba bago magsimula ang simbang gabi sa December 16 at magtatapos sa December 24 sa kasalukuyang taon.
Aniya, sa obserbasyon nito ay nawawala na ang disiplina ng mga tao sa loob ng simbahan.
Apela ng obispo na respetuhin ang simbahan at ang Diyos sa pamamagitan ng pagsuot ng tamang damit at naaayun sa okasyong dadaluhan.
Dagdag niya na para sa atin ay maliit na bagay lamang ito pero malaking bagay ito sa harap ng Maykapal.
Sinabi pa ni Mayugba na mas lalo pa nilang higpitan ang paggamit ng gadgets gaya ng cellphone sa mga pupunta ng simbahan.