GENERAL SANTOS CITY – Gamit ang mga recovered items kagaya ng basyo at slug na nakuha sa pinangyarihan ng krimen gagamiting clue ng Pulisya sa ginawang imbestigasyon para matukoy kung sino ang responsable sa pagpatay ng dalawang mga biktima na sina Almisal Abissani 21 taong gulang at Wahab Kasim 23 taong gulang pawang mga residente ng Barangay Labangal nitong lungsod.
Kaninang umaga nakita na lamang ang dalawang biktima sa gilid ng daan malapit sa dumping site ng Barangay Sinawal nitong lungsod at wala ng buhay.
Ayon kay Police Capt. Joseph Letigio, deputy Chief ng Makar Police Station na posebling sa luob ng sasakyan binaril ang mga biktima at posebling itinapon lamang sa lugar .
Pinagbasihan kasi ni Letigio ang nakuhang basag na salamin ng sasakyan at dugo sa lugar pati na ang apat na basyo ng .45 caliber na baril . Dagdag ni Letigio na pawang sa ulo ang tama ng mga biktima .
Nagpapatuloy pa ang ginawang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang background ng mga biktima habang wala pang pinalabas na motibo ang pulisya dahil di pa tukoy ang may gawa sa nasabing krimen.