-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Umabot na sa 3 ang namatay at 176 naman ang sugatan na sinugod sa iba’t-ibang hospital sa Turkey dahil sa pagkahati ng Pegasus plane matapos ang padulas na paglanding sa runway ng Istanbul Airport dahil sa masamang panahon.

Sa pahayag ni Star FM Bacolod international correspondent Alvin Alviso, Pinoy na nagtatrabaho sa Istanbul, Turkey, ay walang napaulat na Pilipinong sakay ng Boeing 737, bagama’t lagi din itong sinasakyan ng mga Pinoy ay nataon aniya na walang sakay na kababayan ng maganap ang insedente.

Ang nahating pegasus plane ay may sakay na 177 na pasahero kung saan may 12 na mga batang nakasama at anim naman na crew members, ayon sa state news agency Anadulo bilang pagtatama sa unang bilang na binigay Turkish authorities.